Sinasabing ang sabong ay passion kaya’t hanggang sa huli ang pagmamanok ay dala-dala ng sinumang tunay na sabungero. Pero alam mo ba na...
Sinasabing ang sabong
ay passion kaya’t hanggang sa huli ang pagmamanok ay dala-dala ng sinumang
tunay na sabungero. Pero alam mo ba na sa pambihirang pagkakataon ay mayroong
isang sabungero na dinala hanggang sa kanyang kamatayan ang pagmamanok?
Viral ngayon ang video
na ipinost ng Facebook page na Gallos Pasion del Mundo na sa burol ng isang
Mehikanong sabungero ay nagpasabong pa ang mga kamag-anak nito. Marahil ang
namayapa nilang kaanak ay napakahilig sa sabong noong ito pa ay nabubuhay.
Totoo ngang hindi natin
madadala ang anuman sa hukay, pero puwede namang ipakita sa madla kung ano ang
passion mo noong ikaw pa ay nabubuhay. Ikaw kasabong, gusto mo rin bang maging
kagaya nito ang iyong burol kung sakaling ikaw ay namayapa na?
Panoorin ang video:

COMMENTS