Nakilala si Lancey Dela Torre ng Red Foot Game Farm dahil sa kanyang Boston Roundhead dahil sa husay nitong lumaro. Hanggang ngayon ay ...
Nakilala si Lancey Dela
Torre ng Red Foot Game Farm dahil sa kanyang Boston Roundhead dahil sa husay
nitong lumaro. Hanggang ngayon ay marami pa ring mga sabungero na ang linyadang
ito ang hinahanap at kinukuha sa kanya. Pero alam n’yo ba mga kasabong na bago maging
isang breeder si Lancey ay naging mananari muna siya?
Bata pa lang si Lancey ay
namulat na siya sa mundo ng sabong dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang lolo
na isang sabungero. Nagsimula siyang magsasali sa sabong noong makatapos siya
ng haiskul. Nag-umpisa ito nang makabili siya ng murang manok sa isa niyang
kapitbahay saka niya ito inilaban sa sabungan.
Magaling na mananari si
Lancey kaya maraming malalaking breeder ang nagtiwala sa kanya. Nakapagtari
siya sa mga bigtime na sabungero gaya nina Felix Trebol, Mayor Nonoy Jalandoni at iba pa.
Nakapagtrabaho pa nga siya kay Nene Abello sa loob nang mahigit limang taon.
Maliban dito ay nagtrabaho rin siya kay D.O. Plaza na itinuturing niyang
kanyang guro. Marami kasi siyang natutunan dito kabilang na ang pagpapalahi ng
manok.
Bilang mananari,
naniniwala si Lancey na mahalagang bagay ang linyada ng manok para manalo sa laban.
Pero ‘di rin maikakaila na mahalaga ang papel ng tari. Ang
tari kasi ang nagsisilbing sandata ng manok. ‘Di ba’t kapag nagkamali ng kabit
ng tari ay problema na?
Ang maganda kay Lancey,
bagama’t tinitingala na siya ng mga sabungero ay nananatili pa ring nakatapak
ang kanyang mga paa sa lupa. Hindi niya pa rin nalilimutan ang una niyang
naging trabaho at ito nga ay ang pagtatari. Paminsan-minsan kasi ay nagtuturo
siya sa mga seminar kung paano magtari.
Bago maging isang
fulltime breeder, nagsilbi si Lancey bulang isang pulis sa loob ng siyam na
taon. Pero ipinagpalit niya ang kanyang
career niyang ito sa mga manok. Proud siya na ang pagmamanok na ang
ibinubuhay niya sa kanyang pamilya. Si Lancey ang tipo ng magmamanok na hindi
mahilig sa sugal. Kumbaga, ang pagmamanok sa kanya ay isang purong negosyo.
Sa mga anak ni Lancey
ay nahihilig sa manok, pero ayos lang naman ito sa kanya. Basta siya ay
ipagpapatuloy lang niya ang pagmamanok hangga’t mayroon siyang lakas.

COMMENTS