Kung mayroong beterinaryo ng manok na kilala sa bansa, isa na rito si Doc Ronnie Magbalon ng RGM Gamefarm. Katunayan, naging...
Kung mayroong beterinaryo ng manok
na kilala sa bansa, isa na rito si Doc Ronnie Magbalon ng RGM Gamefarm.
Katunayan, naging consultant na siya ng mga may-ari ng malalaking farm gaya
nina Nene Araneta, Bong Pineda, Boy Gamilla, Chito Reyes at iba pa. Bukod dito
ay minsan na rin siyang itinanghal bilang BAKBAKAN champion, ito ay noong 2010
kasama ang kanyang kumpare na si Engr. Ralph Daigo. Karamihan ng mga manok na
ginamit nila rito ay ang Bulik. Nakaiskor sila ng 9 wins at 1 draw.
Pero alam n'yo ba mga kasabong, na kahit noong
bata pa lang si Doc Ronnie ay mahilig na talaga siya sa Bulik? Nagkataon lang
diumano na nakakuha siya ng Bulik sa isang respetadong breeder pagkatapos ay
dinebelop na lang niya ito.
Para kay Doc Ronnie, hindi lang ang
karangalan ang kanyang natamo noong siya ay magkampeon sa BAKBAKAN kundi naging
tulay din ito para makatulong siya sa mga backyard breeder. Ito ay sa
pamamagitan ng pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman sa pagmamanok tuwing siya
ay naiimbitahan na magsalita sa seminar.
COMMENTS