Minsan ay makaririnig tayo ng reklamo mula sa mga mananari na natitiris at nababali raw ang nabili nilang tari. Akala pa naman nila...
Minsan ay makaririnig tayo ng reklamo mula sa mga mananari na natitiris at nababali raw ang nabili nilang tari. Akala pa naman nila ay matibay ito, pero pagdating sa sabungan at masubukan ang nabiling produkto ay nalintekan na. Ang resulta, automatic sila na talo. Kumbaga sa digmaan palyado ang dala nilang armas. Mabuti sana kung sa sabungan ay puwede pang iatras ang laban kapag biglang nagkaroon ng aberya sa tari.
Mga kasabong, mayroon talagang mga tari maker na nagbibenta ng walang kalidad na produkto. Ang layunin lang kasi nila ay ang kumita kaya siguro ganun. Wala silang pakialam kung quality o hindi ang kanilang gawa. Sa kanila rin naman ang balik nito dahil sa susunod ay wala nang magtitiwala sa kanilang mga sabungero. Pero ibahin natin si Leandro Abaga o mas kilala bilang si Bong Tari dahil sinisiguro niya na matibay ang ginagawa niyang mga tari. Siya rin naman kasi ang mapapahiya sa kanyang mga suki kapag 'di niya pinagbutihan ang kanyang mga gawa.
Sa video na mapapanood ay ipapakita ni Bong Tari kung gaano katibay ang kanyang mga finish product na tari. Ipupukpok niya isa-isa ang mga ito sa kahoy. Kayo na ang bahalang humusga kung matibay nga ba o hindi ang gawa niyang tari. Isa lang ang sigurado, matagal na siyang gumagawa ng tari at marami na siyang suki na naglipana, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa abroad.
Panoorin ang video:
COMMENTS