May mga sabungero na ‘di naniniwala na puwedeng painumin ng gamot pang-tao ang manok dahil ‘di ito...

May mga sabungero na ‘di naniniwala na puwedeng painumin ng gamot pang-tao ang manok dahil ‘di ito akma sa sistema ng kanilang katawan. Ginawa diumano ang gamot ng tao para sa tao at hindi ito puwedeng gamitin para sa hayop. Gayun din naman ang gamot ng hayop ay ‘di puwedeng gamitin sa tao dahil magkakaroon ng side effect.
Pero alam din naman natin na may mga sabungero na gumagamit ng gamot ng pang-tao para sa alaga nilang manok. Wala naman daw masama rito dahil umeepekto naman sa kanilang manok. Basta ibigay mo lang ang tamang dosage na kailangan nila dahil kapag sobra-sobra malamang na mau-overdose ang manok.
Isa ang kasabong natin na si David Santos ng Antipolo sa naniniwala na puwedeng gamitin ang gamot pang-tao para sa manok. Wala naman siyang nagiging problema kapag ginagawa niya ito. Halina’t alamin natin kung paano niya ito ginagawa at ipapaliwanag niya kung bakit siya naniniwala sa ganitong sistema.
Panoorin ang video:
COMMENTS