Ang hatchery ay malaking tulong sa mga sabungero. ‘Yung mga walang incubator ay pumupunta pa ng hatchery para makapagpisa ng...
Ang hatchery ay malaking tulong sa mga sabungero. ‘Yung mga walang incubator ay pumupunta pa ng hatchery para makapagpisa ng itlog nila. Mayroong maaayos na hatchery at mayroon din namang hindi. Ang isa kasi sa problema sa ganito, kapag ‘di honest ang tao ay papalitan nila ang itlog mo. Kaya ang ibang may-ari ng hatchery ay itinigil na ang pag-aalaga ng manok para ‘di sila mapaghinalaan na ginagamit nila ang kanilang papisaan para makapamili ng bloodline na gusto nila.


Isang kasabong na nagngangalang Ivan William Dela Cruz ang nagbahagi ng kanyang pagkadismaya sa Facebook group na BACKYARD BREEDER MANOK PANABONG FOR SALE. Ayon sa kanya, sa mga taga-Bulacan lalo na sa San Jose, Norzagaray ay huwag magpapapisa sa may Matandang Baryo. Paano kasi sa 19 na itlog galing sa hiraw at talisahin ay apat lang ang napisa. Pagkatapos ay sasso pa ang isa o pang-poultry chicken.
May isang nagkomento sa post ni Dela Cruz na nagngangalang Tors Al, nangyari na rin sa kanya ang ganito. Nahaluan diumano ng Asil ang kanyang sisiw na pinapisa sa Hatchery. Ipinapayo naman ng iba na para ‘di mapalitan ang itlog, dapat ay magkaroon na ng sariling incubator kahit homemade lang. Medyo may kamahalan din kasi ang incubator kapag bibilhin mo sa merkado. Pero kung marami naman ang produksyon ay makabubuting mag-invest na para rito.
Sa mga hatchery na nagpapalit ng itlog ng may itlog, sana ay itigil na nila ang kanilang gawain. Oo nga’t nakadiskarte sila ng bloodline na gusto nila, pero sila rin naman ang mawawalan sa huli kapag kumalat ang kalokohan nilang ginagawa. Sigurado na magsisipag-alisan ang kanilang mga kostumer.
COMMENTS