Kahit saan man magpunta ay may makikita tayong poultry supply. Kahit nga sa mismong sabungan gaya s...

Kahit saan man magpunta ay may makikita tayong poultry supply. Kahit nga sa mismong sabungan gaya sa Blue Mountain Cockpit Arena na matatagpuan sa bayan ng Antipolo, Rizal ay may nakatayong poultry supply. Bakit naman ‘di uusbong ang ganitong uri ng negosyo, eh sa dami ba naman ng bilang ng mga sabungero sa buong Pilipinas. Sinasabing bilyong industriya ang sabong dahil sa dami nang hanapbuhay at negosyo na nakapaloob dito.
Oo nga’t maganda ang negosyong poultry supply, pero ‘di naman pupuwede na basta mo na lang ito papasukin dahil narinig mo si ganito o si ganyan na kumikita. Siyempre, kahit saan namang negosyo ay importante na pag-aralan mo muna ito bago pasukin. Saka dapat ay hilig mo talaga dahil kung ‘di mo naman gusto ang iyong ginagawa malamang na magsawa ka rin at ‘di ka magtatagumpay.
Nakapanayam namin si Gilbert 'Gee' Goliat ng Harimanok Poultry Supply na matatagpuan sa Pasig City. Hiningan namin siya ng tips para sa mga gustong magtayo ng poultry supply. Ano kaya ang kanyang sasabihin?
COMMENTS