Namamangha tayo kapag nakakakita tayo ng malalaking farm. Siyempre, sino ba naman ang makakapagmantine n...

Namamangha tayo kapag nakakakita tayo ng malalaking farm. Siyempre, sino ba naman ang makakapagmantine ng napakalawak na farm kundi silang mga limpak-limpak na salapi. Sa pangkaraniwang sabungero, hanggang pangarap na lang ang ganito. Kahit 'di naman napakalaking farm ay ayos nang magkaroon basta't farm na mailalagay ang mga manok na kayang alagaan.
Dito sa Pilipinas ilan lang sa may malalaking farm ay sina Atong Ang, Wilsong Ong, Joey Delos Santos, Engr. Sonny Lagon, Dante Hinlo at iba pa. Mga kung ilang libo ang inaalagaang manok sa kanilang farm. Pero hindi lang naman sa Pilipinas mayroong malalaking farm kundi pati na rin sa Mexico na parang Pilipinas din kung saan ay buhay na buhay ang sabong.
Isa sa may malaking farm sa Mexico ay si Manolo Torres ng Rancho Las Trojes. Sa laki ng kanyang farm ay malulula ka. Ilang kilo kaya ng patuka ang nauubos dito? Sa incubator pa lang, may ideya ka na kung gaano karaming sisiw ang kanilang naipuprodyus.
Panoorin ang video:
COMMENTS